Ang bersyon ng [Tagalog] sa websayt ng Serbisyo sa Pagsasahimpapawid ng Pakikilahok sa Komunidad (CIBS) ay naglalaman lamang ng mga piling impormasyon. Maa-access mo ang lahat ng nilalaman ng aming websayt sa Ingles , Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.
Ang RTHK ay naglalaan ng bahagi ng kanilang oras sa radyo upang bigyan ng plataporma para sa komunidad, mga organisasyong di-pampamahalaan at mga kapuspalad upang makilahok sa pagbabalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng Serbisyo sa Pagsasahimpapawid ng Pakikilahok sa Komunidad (CIBS).
Sa ilalim ng CIBS, ang karapat-dapat na mga indibidwal at mga organisasyon, kabilang ang mga taong magkakaibang lahi, ay maaaring mag-apply upang gumawa ng mga programa sa radyo na isasahimpapawid ng RTHK. Ang RTHK ay nagbibigay ng suportang pondo para sa aplikasyon ng mga interesado sa paggawa ng mga programa sa ilalim ng CIBS.
Ang CIBS ay kasalukuyang nagbibigay ng 17 oras ng mga bagong programa bawat linggo. Kabilang sa mga ito, ay hindi bababa ng 5 oras na partikular na nakatuon sa tema ng mga etniko minorya. Hanggang ngayon, kabilang sa mga wika ng pagbabalita sa mga programa ang Cantonese, Putonghua, Ingles, African, Arabic, Hakka, Hindi, Hapon, Kannada, Koreano, Nepali, Punjabi, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, Tamil, Telugu, Thai, at Urdu.
Ang mga matagumpay na aplikante ay gagawa ng mga programa sa radyo na ipapalabas sa RTHK. Ang bawat programa sa radyo ay binubuo ng 13 mga kabanata. Ang tagal ng bawat kabanata ay alinman sa isang oras o kalahating oras.
Mayroong dalawang yugto ng aplikasyon bawat taon. Mangyaring tingnan ang pinakabagong mga anunsyo sa websayt ng CIBS sa cibs.rthk.hk para sa mga detalye.
Pamantayan sa Pagiging Karapat-dapat
Form ng Aplikasyon
Kailangan mong ihanda ang:
Mga Hakbang ng Aplikasyon
Mangyaring sumangguni sa Aklat-Gabay ng CIBS para sa mga detalye.